Nahaharap sa Pagpapaalis? Humingi ng Tulong!
Authored By:
Northwest Justice Project
- Read this in:
- Amharic / አማርኛ
- Arabic / العربية
- English
- Spanish / Español
- Hindi / हिन्दी
- Cambodian / Khmer
- Korean / 한국어
- Marshallese / Kajin M̧ajeļ
- Mandarin Chinese / 官話
- Punjabi / ਪੰਜਾਬੀ
- Russian / Pусский
- Samoan / Gagana Samoa
- Somali / Soomaali
- Ukrainian / Українська
- Vietnamese / Tiếng Việt
- Chinese / 中文
Alamin ang tungkol sa moratoryo sa pang-estado at pederal na pagpapaalis at kung ano ang dapat gawin kung ang iyong landlord ay nagtatangkang paalisin ka. Facing Eviction? Get Help! (Tagalog)
Impormasyon
[Update! The pause on some evictions has been extended through March 31, 2021. We do not have the details yet. We should know more soon.]
Ang moratoryo sa pagpapaalis ay nagpapatigil sa karamihan, pero hindi lahat, ng mga pagpapaalis hanggang Disyembre 31, 2020.
Hanggang hind dumarating ang petsang iyon hindi ka maaaring paalisin dahil sa hindi pagbabayad ng renta para sa mga dahilang may kaugnayan sa COVID-19, sa ilalim ng pederal at pang-estadong mga utos sa pagpapaalis.
Maaari ka pa ring paalisin kung magdulot ka ng agad at malaking panganib sa kalusugan, kaligtasan at ari-arian.
Maaari ring subukan ng iyong landlord na paalisin ka dahil gusto nilang ibenta ang paupahang ari-arian o gusto nilang lumipat dito. Ang pederal na moratoryo ay malamang na nagpoprotekta sa iyon laban dito.
- Ang moratoryo ay hindi nangangahulugan na wala kang utang sa renta!
- Kapag hindi ka nagbayad ng renta, magiging mas malaki ang iyong utang sa paglipas ng panahon!
- Maaari kang paalisin pagkaraan ng Disyembre 31 kung hindi ka magbabayad ngayon!
Basahin ang Coronavirus (COVID-19): May ilang dahilan lamang na mapapaalis ka ng iyong landlord ngayon para sa karagdagang impormasyon.
Kapag sinubukan kang paaalisin ng landlord, subukang humingi agad ng tulong. Piliin ang iyong county sa ibaba.
Kung hindi mo mababayaran ang lahat ng iyong renta, ang iyong landlord ay dapat mag-alok ng isang makatwirang plano sa pagbabayad. Kumuha sa landlord ng anumang nakasulat na plano. Tingnan ang Coronavirus (COVID-19): Dapat ba akong pumasok sa isang plano sa pagbabayad ng renta sa aking landlord?
Mga Karagdagang Tagatulong
Hindi makita ang iyong kailangan? Bisitahin ang aming Lugar ng paksang pagpapaalis para sa lahat ng aming impormasyon tungkol sa pagpapaalis sa estado ng Washington.